Quantcast
Channel: Sampaloc – Pinoy Transplant in Iowa
Viewing all 11 articles
Browse latest View live

Missing Sampaloc

$
0
0

Miss ko na ang sampaloc.

Hindi ‘yung kinakain na maasim, kundi ‘yung lugar na aking pinaglakihan – Sampaloc, Manila. Nami-miss ko na yung ingay ng mga batang nagsisigawan habang sila’y naglalaro ng tumbang preso at patintero. Miss ko na ang amoy ng usok ng tricycle na humaharurot sa harap ng aming bahay. Miss ko na ang halimuyak ng bagong lutong pandesal galing sa tindahan duon sa kanto kapag umaga.

Nami-miss ko rin kahit paano ‘yung kantahan ng mga nag-iinuman dun sa harap ng tindahan ni Aling Poleng sa gabi, at ang paminsan-minsang hiyawan at hagaran pag sila’y lasing at nagkapikunan na. Nami-miss ko na yung basketball court dun sa tabi ng aming bahay (kahit ito’y gawa lang sa tira-tirang tabla at binaluktot na bakal), kung saan maraming hapon ay nagkapigtas-pigtas ang tsinelas kong spartan sa paglalaro duon.

Miss ko na talaga ang makipot naming kalsada kung saan minsan isang panahon ay isa ako sa nakatambay duon.

Iba na ang mundong aking ginagalawan ngayon dito sa Iowa. Puro maisan at bukiran na ang nakapaligid sa akin. Nakabibingi ang katahimikan. Pero paminsan minsa’y makakarinig ako ng ngawa na mga baka galing sa tabing parang. Kung minsan ay may umaatungal na batang nadapa sa pagbibisikleta sa aming kalsada (anak ko pala yun).

Maaamoy mo rin paminsan-minsan ang ‘di maikakailang samyo galing sa hindi kalayuang rancho ng kabayo (kapag tama ang ihip ng hangin). Sa gabi naman ay binabasag ang katahimikan ng mga umaawit na cicada at nakabubulabog na tawag ng kuwago. Nagtre-trespassing naman paminsan-minsan sa aking bakuran ang mga deer at racoon, at ginagawang tambayan ng mga ibong ligaw ang puno sa harap ng aking bahay.

Kung kasing simple lang na gaya ng isang sakay ng jeepney ang pagbalik sa Sampaloc, ay dadalawin ko ito kahit araw-araw. Sa ngayon, ay pinagtitiyagaan ko na lang ang sampaloc na kendi na nabili ko sa Asian store dito.



Alaala ng Norma

$
0
0

Habang ako’y nakadungaw sa bintana at nakatunganga sa magandang tanawin sa harap ng aming bahay, ay hindi maiwasang magliwaliw ang aking pag-iisip……..

front yard

Mag-lilimang taon na rin pala ang nakalilipas nang kami’y lumipat sa aming kasalukuyang tahanan. Matapos ang 16 na taon dito sa Estados Unidos, at 12 beses na pagpapalit-palit ng tirahan (mula New Jersey, New York City, LA, Florida, at Iowa), ay dito sa bahay na ito ang pinaka-matagal na naming paninirahan.

Ito rin ang kauna-unahang bahay na masasabing sariling amin, matapos ang 11 taon ng pangungupahan. Ito ang unang tahanan na ang titulo ay naglalaman ng aking pangalan. Bagama’t mahal ko ang tahanang  ito, ito’y pangalawa lamang sa puso ko sa tahanang aking kinagisnan doon sa Norma.

Si Norma ay hindi isang babae. Ito ay pangalan ng kalye na aking kinalakihan sa Sampaloc, Manila. Dito itinirik ng aking mga magulang ang aming bahay, mula sa kanilang dugo at pawis. Sa bahay na iyon kung saan namulat ang aking mga mata sa mundong ito. Ang bahay na iyon ang naging saksi sa aking pagbabago; mula sa uhuging batang paslit hanggang sa maging paki-pakinabang na mamamayan ng lipunan (parang Panatang Makabayan ah).

Old Sampaloc, Manila

Puro matatamis ang aking alaala doon sa bahay namin sa Norma. At kung may mangilan-ngilan mang hindi masasayang alaala (gaya ng ako’y makomang, o ilang beses na mapingot ng aking nanay, o masinturon ng aking tatay), ay nasasapawan ito ng magagandang karanasan sa tahanang ito. Sa bahay ring ito idinaos ang aking simpleng kasal. Marahil iyon na ang mga huling yugto ng aking buhay sa bahay na ito.

Pagkalipas ng mga ilang taon mula ng aking lisanin ang Norma upang makipagsapalaran sa Amerika, sa isang masalimuot na kasaysayan at mga pangyayari, ay binenta ang tahanan naming iyon. Isang malungkot na bahagi ng buhay. Ngunit kailangang mangyari.

Nang ako ay magbalik-bayan nuong nakaraang taon, ay maraming lugar ang aking binalikan upang sariwain ang mga nakaraan. Ngunit hindi ko pinangahasang lumakad muli sa kalye ng Norma. Hindi ko maatim na matanaw lamang ang bahay na kumupkop sa aking kamusmusan, at hindi mapasok iyon, dahil sa iba na ang nagma-mayari nito. Hindi ko pa matanggap na iba na ang nakatira at nakadungaw sa mga bintana nito. Tawagin na ninyo itong sentimyento ng baliw, ngunit ito ang aking “tunay na nararamdaman” (kanta yata ng Boyfriends yun).

Sana balang araw, ay makabalik muli ako sa Norma. Marahil, ay magkalakas loob pa akong kumatok sa bahay na iyon kahit alam kong iba na ang naninirahan doon. At sinong makapagsasabi, baka ako’y papasukin pa.

Ang Norma ay alaala ng nakalipas. Ngunit ngayon, sa kasalukuyan kong tahanan dito sa Iowa, panibagong kabanata ang isusulat sa aking alaala; kasaysayan ng aking pamilya’t mga anak, at ng kanilang magiging mga anak.


Over Sarsi and Hopia

$
0
0

(The following article was published in Manila Standard Today, on February 11, 2011, in their Diaspora section.)

A few days ago my family and I shopped at Costco. Among the things we brought home for our own use included: rolls of toilet paper that would be several months’ supply, big bottles of ketchup that will last us a year, gallons of cooking oil enough to fill a small bathtub, cartons of toothpaste adequate for the use of a whole men’s dormitory (provided they brush their teeth), and bottles of shampoos plenty enough for a small hair saloon.

Popular now here in US, or perhaps in some other parts of the world as well, is wholesale or bulk buying. Stores like Costco, Sam’s Club and other warehouse-like stores caters to this practice and offer bargain sales of their products. I don’t know why we like to hoard so much stuff. Do we really save money if we buy things on bargain, but don’t really need them? When I look at our pantry and our garage where we store all the items we bought, I am struck by the realization that we would rival the stocks of a small sari-sari store in the Philippines. My mind flashed back to our “suking tindahan” (favorite store) of my neighborhood in Sampaloc, Manila.

Sari-sari store is unique to our culture and as Filipino as the jeepney. It is a result of our entrepreneurial ingenuity. It accommodates to the concept of able to buy “tingi” (units), instead of the whole package, so we get just what we need.

sari-sari store

When I was a child, my mother sent me many times to the corner store. Empty bottle in hand, I had to buy 20 centavos worth of vinegar, or 50 centavos worth of cooking oil. Sometimes I was asked to buy two or three sachets of shampoo and a small tube of toothpaste. That store has everything a kid needed, too —  from plastic balloon, marbles, Bazooka bubble gum, Choc-nut, to Mongol pencils, pad paper, cartolina and papel de hapon for my art project.

I remember that I could even buy 10 pieces (or even fewer) of lined paper, without the need to buy the whole pad. Or I can buy 3 or 4 pieces of coupon bond paper (I used to call it cocomban), just what I need for that day in school.

Recently here in Iowa, I needed Manila envelope, and I had to buy a whole, big box of it at a warehouse store. I got what would be a lifetime’s supply. I pondered: Did I really need all these? Maybe I can barter it for some pan de sals.

Ah, the pan de sal. In Sampaloc, we used to have a favorite bakery at the corner of the next street. On many mornings, I was sent there to buy P1.50 worth of pan de sal that was enough breakfast for our family of 5. (Maybe I’m showing my age with these reminiscences.) The still hot buns were placed inside a small brown paper sack, and during cold mornings, I will put them close to my chest to keep me warm, while the sweet aroma of newly baked bread filled my soul as I walked back home. That aroma, to me, is one of the most glorious memories up to this day.

fresly baked hot pan de sal

There is packaged pan de sal in our Asian store in our locale here in the US. But they are not freshly baked; worse, sometimes they are even frozen. The bread most similar to pan de sal available in Costco is like a dinner roll. But it comes in a package as big as Santa’s sack, enough to feed a small platoon of soldiers. I heat them in the oven. With lots of imagination, I can convince myself that they taste like pan de sal.

Before Facebook, sari-sari stores in the Philippines are the real networking sites. The front of the stores are favorite hangouts for people in the community, where they exchange stories, gossips, news, and opinions, over a bottle of beer or a game of checkers. Most of the time, people just stayed there and watch the world go by. Sometimes, there will be heated arguments and fights in front of the store, especially when these “tambays” had too much to drink. Such were the perils that went with owning such a store.

One of our barkada’s favorite hangout was a sari-sari store in front of our church in Galas, Quezon city. There was a basketball half-court in front of our church, and after hours of playing, we trekked across the street to Aling Luring’s store. Here, we got our refreshments, sometimes with our shirts off, and spent time there just relaxing. My usual order was Sarsi and hopia. Sometimes we even did not have enough money to pay, and we would just ask Aling Luring if we could pay it next week. Since she knows us (and our parents), most of the time she let us.

hopia

About a year ago, after many years of living abroad, I went back home to the Philippines. I attended my childhood home church and saw familiar faces and some new faces. The basketball court was still there. The residential houses around the church had been replaced with commercial buildings. I looked for the familiar store across the street, but it was no longer there. In its site was a new business building. Not far in the area was a large supermarket.

Alas, Aling Luring’s store became a victim of progress. It was devoured by the same commercialism it represented. I was sad; the place that had formed part of my passage through teen years was gone. I would have liked to get Sarsi and hopia for me and my friends, for old time’s sake. As we ended up going to a nearby Chowking outlet, we consoled ourselves — at least we still had the memories.

(*photos from internet)


Sa Ilalim ng Buwan

$
0
0

“O maliwanag na buwan,
Nakikiusap ako,
Ang aking minamahal,
Sana ay hanapin mo.”  – Filipino Folk Song by Levi Celerio

Isang gabing bilog ang buwan, ako ay lumabas at naupo sa aming bangko, doon sa harap ng aming bahay. Sa halip na ilaw ng poste ng Meralco, ay liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa aking buong kapaligiran. Maaaninag din ang mangilan-ngilang bituin na kumikinang, kahit pa nasasapawan ang kanilang ningning ng maliwanag na buwan. Hindi mga dikit-dikit na bahay at lupon ng mga taong tambay ang aking tanaw kundi malawak na bakanteng lupain at mga punong kumakaway, ang sa akin ay nakatambad.

nagbibilad sa liwanag ng buwan (photo taken of the Supermoon 5/5/12)

Ibang iba na nga ang aking paligid, kumpara sa kinamulatan kong tahanan doon sa Sampaloc.

Imbes na maalinsangan na ihip ng hangin ng Maynila, ay malamig at sariwang simoy ng bukid ng Iowa ang humihimas sa aking buhok (may natira pa naman), mukha, at mga braso. Hindi masangsang na singaw ng nakaimbak na basurang hindi nakokolekta ang aking naaamoy, kundi samyo ng lilac at halimuyak ng bagong tabas na damo. (Hindi damo na sinisinghot ang aking tinutukoy.) Pero kung minsan ay nalalanghap ko rin ang hindi makakailang amoy ng mga baka at kabayo sa hindi kalayuang lugar mula sa aming bahay.

Hindi mga nag-kakaraoke na nag-iinuman sa kanto ang gumagambala sa himig ng gabi, kundi mga palakang naghaharana ang aking naririnig, habang  sumasabay din ang mga kuliglig sa kanilang pagawit. Hindi rin sigaw ng naglalako ng balut, kung hindi hiyaw ng kuwago ang paminsan-minsang bumabasag sa katahimikan ng aking madilim na paligid. Pero sana nga may mag-babalut na maligaw dito…….. Ipagpaumanhin ninyo, naiba ako.

Walang mga lasing na sumusuray-suray na dumadaan sa aming kalye, kundi mga alitaptap ang mga kumukuti-kutitap na nagsasayaw sa aking bakuran. (Meron ding “Alitaptap” doon malapit sa amin sa Sta. Mesa, na “patay-sindi” ang ilaw – pero ito ay beerhouse.) Walang mga tricycle na umaarangkada kahit malalim na ang gabi, kundi mga racoon at usa ang paminsan-minsa’y tumatawid sa aming walang kibo na lansangan.

Bilog na naman ang buwan. Alam kong maraming mga magkasintahan ang magkasama at nagbibilad sa liwanag ng buwan. Sila ay magkahawak kamay…..nangangarap…..nagsusumpaan…… sa ilalim ng buwan. Marami rin ang nabibigo, nababaliw, at sinusumpa ang buwan.

Nuong minsan, maraming taon na ang nakalilipas, ay dumadayo ako doon sa may Metrica, na bahagi pa rin ng Sampaloc. Dinadalaw ko doon ang isang magandang binibini. Hindi ko inaalintana ang mga panganib sa dilim ng gabi, dahil sa pagnanais kong makita ang dilag na naroon. Walang tambay, lasing, adik, trapik, prosisyon, mga demonstrador, brownout, ulan, bagyo, baha ang nakakaawat sa aking pagbisita sa magandang dalaga. May buwan man o wala.

Minsan din sa liwanag ng gabi…… sa lilim ng mga yero, linya ng Meralco, at mga sampayan doon sa Sampaloc……..sa magulo at masikip na kalye ng Metrica….. habang ang aming pabulong na usapan ay nilulunod ng ingay ng masalimuot na siyudad ng Maynila……doon kami ay minsan ding nangarap at nagsumpaan……..sa ilalim ng buwan.

Ano na ang nangyari sa magandang binibini doon sa Metrica? Narito, akin nang kaulayaw sa aming matahimik na lugar dito sa Iowa. Kasama ng aming mga anak. Sa ilalim ng buwan.

lover’s moon


Pagbabalik sa Norma

$
0
0

Nakatayo ako sa bukana ng masikip na kalye sa Maynila. Mataimtim kong sinusuri ang pamilyar na lugar na ito, ngunit sa kabilang banda, ay para bagang nakakapanibago.

Sinimulan kong baybayin ang kalsadang iyon. Sa bawat hakbang ay pawang hinahanap ang mga iniwan kong bakas ng nakaraan. Naghahalong tuwa at lungkot ang aking nararamdaman. Mahigit sampung taon na rin ang nakalipas mula nang huli kong magisnan ang lugar na ito.

Ang kalyeng aking tinatahak ay ang kalye ng Norma. (see previous post about Norma)

Norma. Ito ang lugar na umaruga sa aking pagkabata. Dito ako naglaro at lumaboy-laboy ng malaya noong aking kamusmusan. Dito rin ako namulat sa payak na katotohanan na ang mundo ay malupit. Ngunit dito rin sa lugar na ito ako natutong mangarap, magmahal, at tumanaw nang may pag-asa.

IMG_1595

mga asong kalye ng Norma

Hindi mga tao o dating kakilala ang unang sumalubong sa akin sa aking paglalakad, kundi dalawang asong kalye (askal) ang nakapuna sa aking presensiya. Marahil ay naamoy nila agad na ako’y dayuhan na sa kalsadang aking tinutuntungan.

Sa aking pagmamasid ay natunghayan ko ang marami nang pagbabago ng Norma. Wala na pala ang maliit na tindahan ni Aleng Poleng. Napagalaman ko na pumanaw na rin pala si Aleng Poleng. Nagtataasang bakod at matatayog na apartment building na ang nakatirik sa mga dating simpleng bahay noon. Pawang tahimik na ang lugar, at wala nang masyadong batang paslit ang naglipana at gagala-gala sa kalsadang ito.

IMG_1599

magbobote dyaro sa Norma

Sa patuloy kong pagtahak ay palakas nang palakas ang kabog sa aking dibdib. Papalapit na ako sa lugar na aking tinuturing na pinagpala. Hindi nagtagal ay tumambad sa aking paningin ang tahanan na aking pinaglakihan. Bahay na aking pinanggalingan.

Wala pa rin itong masyadong pinagbago. Bakas pa ang pangalan ng aking ama na nakaukit sa batong poste sa tabi ng gate. Pareho pa rin ang tabas ng mga pader at hugis ng mga bintana. Pati kulay ng pintura ay pawang hindi rin nila pinalitan. Walang ring pinagbago ang kapirasong silid sa gilid ng bahay kung saan ko sinasaksihan noon ang pag-ikot ng munti kong mundo. Bakante pa rin ang lupa na nasa tabi ng aming bahay.

Ngunit mayroon rin namang nagbago. Wala na ang puno ng bayabas sa tabi na aking inaakyat noon. Wala na rin ang malaking puno ng Chinese Dama de Noche na tumatabing sa harap ng bahay. Iba na ang mga palamuting nakasabit, at mga nakasampay na mga damit na lamang ang pawang tumatakip sa nakalantad na harapan nito.

IMG_1597

bahay sa Norma

Mayroon pang malaking pinagbago: iba na ang pamilyang naninirahan dito, at iba na ang batang nakadungaw doon sa may veranda.

Matagal-tagal din akong nakatindig sa labas ng aming dating bahay. Tila baga tumigil ang pagtakbo ng oras at pumihit pabalik ang panahon. Umaapaw ang mga alaala sa aking isipan habang ako’y nakamasid. Umaapaw din ang halo-halong damdamin sa aking puso. Hindi ko na mapigil…….

Ako ay kumatok sa pintuan. Sa kabutihang palad ako ay pinagbuksan. Ako ay malugod na nagpakilala. Ngumiti ang tadhana, at ako ay pinaunlakan pang makapasok sa loob ng bahay na aking kinagisnan.

Muli akong tumapak sa sagradong lugar – sa bahay doon sa Norma.


Sa Likod ng Matataas na Pader

$
0
0

Hindi kalayuan sa masikip na kalyeng aking kinalakihan sa Maynila ay isang kalsadang may mga naglalakihang compound na napapalibutan ng matataas na pader. Dahil sa taas ng mga bakod, ay mga tuktok ng puno at mga bubong ng bahay lamang ang iyong masisilayan sa loob ng pader.

Ang kalsadang aking tinutukoy ay ang Manga Avenue doon sa Sampaloc. Malapit din sa lugar na ito ang mga kalye ng Santol at Pinya. Nangangasim ka na ba? Siguro naglilihi ang nagbigay pangalan sa mga lugar na ito.

Madalas kaming dumadaan sa Manga Avenue noong araw. Hindi dahil sa loob ng mga nagtataasang pader kami naninirahan, kundi dito lamang tumatahak ang mga pumapasadang tricycle mula sa aming kapit-kanto patungo sa lugar ng Stop and Shop sa Sta. Mesa.

Nagpupunta kami sa Stop and Shop para maghulog ng sulat (Sta. Mesa Post Office), para mag-grocery (Fernando’s), o mamalengke (talipapa sa Sta. Mesa), o kaya’y bumili ng gamot (Mercury Drug, old Sta. Mesa branch). Wala na ngayon ang Fernando’s at Mercury Drug sa lugar na ito.

Sa Sta. Mesa rin kami tumutungo para sumasakay ng jeepney o bus (wala pang LRT2 noon) na bumabiyahe sa kahabaan ng Ramon Magsaysay, papuntang Quiapo o pa-Cubao. Nasa Stop and Shop din noon ang aking barbero. Malapit din sa lugar ng Sta. Mesa na ito ang mga establisimentong binabansagang “biglang-liko” at mga “patay-sindi,”  pero hindi ako gumagawi doon. Totoo, peks man, hindi ko pinasok ‘yun.

Mabalik ako sa Manga Avenue, maliban sa mga dumadaang traysikel ay masasabing matahimik ang kalyeng ito noong araw. Walang masyadong tao ang tumatambay doon. Mga walang imik na pader lamang ang tanging saksi sa mga nagdaraan dito.

Noong ako’y magsimulang sumama sa aking tatay na ma-jogging, ay tinutunton namin ang kalsadang ito kapag madaling araw. Madilim at pawang liblib ang kalyeng ito. Malalayo ang pagitan ng mga poste ng ilaw, at ang mga liwanag mula sa mga bahay ay nakukubli ng mayayabong na puno at matataas na pader.

Ano kaya ang itsura sa loob ng mga kutang pader na iyon? Tanong ito ng musmos kong isipan noon.

Sabi nila ay may mga swimming pool daw sa loob ng mga bakod. Sabi din nila ay may magandang basketball court daw sa loob ng mga compound, na hindi tulad ng payak na tabla at bakal na court sa aming kalye. Sabi nila humahalimuyak daw ang mga hardin sa loob ng mga compound na iyon. Sabi pa nila, magagandang mansiyon daw ang mga nakatirik sa likod ng matataas na pader.

Sinu-sino kaya ang mga naninirahan sa likod ng mga matataas na pader na iyon?

Sabi nila isa sa mga bahay doon ay naging tirahan ng dating presidente (Magsaysay), pero ipinagbili na ito sa isang prominenteng pamilya. Sabi pa nila ay mga mayayamang negosyante ang mga nakatira sa loob ng mga pader na iyon. Aaminin ko, pinangarap ko rin na manirahan, o kahit makapasok man lamang sa loob ng mga pader na iyon.

Laging nakapinid ang mga makapal na bakal na gate sa Manga Avenue. Ngunit paminsan-minsan ay natitiyempuhan kong masulyapan na bukas ang gate, habang pumapasok ang mga magagarang kotse. Nakabantay naman palagi ang mga gwardiang may nakasukbit na baril.

Ngunit isang araw, sa isang malawak na bakanteng lote na napapagitnaan ng mga compound, ay may naligaw na nagtayo ng barong-barong doon sa Manga Avenue. Hindi nagtagal ay sunod-sunod na yerong kubo ang nagsulputan na parang kabute doon sa bakanteng loteng iyon. Nang malaon na ay nagkaroon ng “subdivision” ng mga dampa na kahalera ng matataas na pader. Umapaw pa hanggang sa lansangan na mismo ang mga barong-barong.

Balita ko ay hindi na mapaalis ang mga pamilyang nagtayo ng mga barong-barong. Mula noon ay naging matao, aktibo, at makulay na ang Mangga Avenue.

Ano kaya ang naramdaman ng mga naninirahan sa loob ng mga matataas na pader? Ano kaya ang kanilang naging reaksiyon?

Ang akin lamang nasaksihan mula noon ay lalo pang pinataasan ang mga pader. Naglagay pa ng mga barb wire sa ibabaw nito. Lalo ring pinagtibay ang mga bakal na gate. At dinagdagan pa ang mga guwardiang bantay.

Hindi ko sasabihing masama ang pataasin pa ang mga pader, dahil ito nama’y kanilang pag-aari. At hindi ko rin sasabihing tama ang magtayo ng mga barong-barong sa lupang hindi pag-aari.

manga-5-5-11-2013-4-29-19-am

mga dampa sa labas ng matataas na pader sa Manga Avenue ngayon

Ngunit kaya kayang tabingan ng mga matataas na pader ang mga masaklap na katotohanan ng maralita sa labas nito? Kaya kayang patahimikin ng matatalas na barb wire ang mga hikbi at iyak ng mga mahihirap? Kaya kayang sapawan ang baho ng pag-hihikahos ng bango ng mga bulaklak sa hardin na nasa loob ng mga pader? Nagtatanong po lamang.

Ikaw? Ako? Anong mga pader din ba ang ating itinatayo upang ikubli sa ating paningin ang mga paghihirap ng iba?

Masakit mang aminin, kailangan din nating dumungaw mula sa ating pader.

******

Post script: Habang naghahanap ako ng mga larawan ng Manga Avenue, ay aking napagalaman na si Erap, na ngayo’y Mayor na ng Maynila, ay sa kalyeng ito na naninirahan. Magbago na kaya ang lugar na ito?

(*photo from here)


Usapang Lasing

$
0
0

Hindi siguro kaila sa karamihan na tayong mga Pilipino ay may romantikong relasyon sa ating inuming alak. Kayang-kaya nating makipagsabayan sa inuman kahit kaninumang mamamayan ng ibang bansa. Sangayon sa isang report mula sa Euromonitor*, ang Pilipinas raw ay isa sa mga bansang malakas komunsumo ng alak.

Hindi naman ibig sabihin nito, na tayo’y bansa ng mga lasenggero. Sabihin na lang nating dahil marami tayong okasyon para uminom. Umiinom tayo kapag may birthday. O fiesta. Kapag pista opisyal at walang pasok. Tuwing kinsenas at katapusan (katapusan na rin ng suweldo!). Kapag may nagbalikbayan, gaya ng aming kapitbahay na seaman, na  alam na alam ko kapag-nagbalikbayan na siya, dahil may maiingay na namang nag-iinuman sa kalye, sa tapat ng bahay nila. At iba-iba pang okasyon.

Ngunit kadalasan walang espesyal na dahilan ang kailangan para tayo’y mag-umpukan at mag-tagayan. Dahil lubog na ang araw, ay sapat ng okasyon para tayo’y mag-inuman.

tagay-in-the-flood

Drinking. More fun in the Philippines.

Iba’t iba rin ang ating gustong inumin. Beer, gin, brandy, vodka, at rum. Nandiyan din ang mga katutubo nating inumin, gaya ng lambanog, basi, tapuy, at tuba. Sang-ayon sa mga pagsisiyasat, beer o cerveza, ang paboritong inumin nating Pilipino. At ang pangunahing beer sa Pilipinas ay walang iba kundi San Miguel beer na naging bahagi na ng ating kultura. (Wala po akong komisyon sa San Miguel Corporation, pero baka mabasa nila ito at bigyan ako ng balato.)

Iba’t iba rin ang tawag natin sa ating inumin. Tulad ng lapad, bilog, quatro-kantos, at long neck, sang-ayon sa hugis ng bote nila. Iba’t ibang taglines rin ang nakaukit na sa ating ulirat. “Iba ang may pinagsamahan.” “Inumin ng tunay na lalaki.” “Ganado sa buhay.” At “hindi lang pampamilya, pang sports pa.” Ah…eh….. rubbing alkohol pala iyung huli, ipinapahid lang at hindi dapat iniinom.

marca demonyoNakakaaliw rin ang iba’t ibang logo ng mga alak. Isa sa nakakaagaw pansin ay ang logo ng Ginebra San Miguel, na kilala rin na marca demonio. Ito ay yung arkanghel na si San Miguel na may nakahugot na espada, habang inaapakan niya ang demonio. Ngunit kapag itiniwarik at tinungga mo na yung bote, at iyong titigan si San Miguel – nakapaibabaw na yung demonio!

May mga taong mahilig uminom sa bar. May madalas sa beer garden o mas kilala na “patay sindi.” Ngunit ang karamihan ng mga Pilipino ay sa harap lang ng  tindahan sa may kanto, o kaya’y sa isang sulok ng kalye sa ilalim ng poste ng Meralco, at doon kasama ang tropa ay solb na solb na sa tagay at pulutan.

Tungkol naman sa ating pulutan, paborito natin ang sisig, krispy pata, at tokwa’t baboy. Kung tipid naman ay adobong mani, o kornik, o chicaron ay talo-talo na. Kung walang-wala naman, ay “usa” na lang ang pulutan – “usapan.” At malungkot mang tanggapin, ay kilala rin tayong mga Pinoy sa pulutang “asusena.”

Ikuwento ko lang po noong bata pa ako, ay may aso kaming ang pangalan ay Brownie. Isang hapon ay nakawala ito dahil naiwanan naming bukas ang gate. Dali-dali naming ginalugad ang paligid-ligid at mga kapit-kalye doon sa amin sa Sampaloc, Manila. Patuloy kami sa pag-hahanap hanggang sa kumagat na ang dilim. Hindi namin mahanap ang aming aso, pero may nakita kaming isang grupo sa isang kalye na masasayang nag-iinuman at nagkakantahan. Hindi ko sila pinaparatangan. Ang alam ko lang, hindi na namin nakitang muli si Brownie.

Isang tradisyon ng inuman na aking personal na nasaksihan ay doon sa lugar na pinaglakihan ng aking tatay, sa Norzagaray, Bulacan. Parang Oktoberfest sa Germany ang tradisyon na palasak ang laklakan. Tawag nila rito ay “Lansakan.” Ito ay ginaganap tuwing Mahal na Araw. Sangayon sa tradisyon ang mga tao’y nagpapakalasing gaya ng mga sundalong Roman noong naghihirap si Kristo.

Kaya kapag Semana Santa doon sa Norzagaray, habang maraming mga tao ang nagpapakabanal, habang dumadagundong sa loudspeaker ang pabasa ng pasyon, habang ang mga Santo at Santa ay ipinuprusisyon, sa iba’t ibang sulok naman ng bayan ay ang mga taong nag-iinuman at nagpapakalasing. Tuloy-tuloy ang daloy ng beer, gin, rum, vodka, tuba at lambanog. Sa katagalan ay naiihi na ang mga manginginom sa kanilang salawal dahil sa kanilang kalasingan.

Sabi ng marami, dapat daw kapag umiinom, ay papuntahin lang ang alak sa bituka at tiyan at hindi sa utak, upang hindi malasing. Ngunit sasabihin ko sa inyo, bilang isang medical expert, na ang alkohol na ating iniinom ay pupunta at pupunta sa dugong nananalatay sa ating katawan, at hindi kalauna’y maapektohan nito ang ating pag-iisip.

Hindi naman siguro ninyo itatanggi na maraming mga tao ang kung ano-ano ang kanilang nasasabi, nagagawa, at inaasal kapag sila ay lasing na. Kadalasan, kanilang pinagsisihan ang mga nangyari kapag humupa na ang epekto ng alkohol at sila ay nahimasmasan na.

Hindi ko sinasabing bawal tayong mag-inuman, o sa ako’y nagmamalinis. Ngunit naging saksi ako sa maraming buhay na nawasak at maraming magagandang kinabukasan ang nalusaw sa walang pakundangang inuman. Maraming magkakaibigan ang nag-aaway kapag sila ay “lasheng” na. Ang malulutok na halakhak ay nauuwi sa malulutok na “put*ng ina mo!” At kung minsan hindi lang saksakan ng init ang kanilang pagtatalo, kundi nauuwi pa sa tunay na saksakan.

Marami ring mga pamilya ang nawatak sanhi ng alkohol. Nagiging mas mahalaga ang ating relasyon sa alak at ka-tropa kaysa sa relasyon sa tahanan. Nagiging sanhi rin ng away at paghihirap kapag ang mga pinagpawisang sweldo ay nauuwi lang kay Chivas Regal at Johnny Walker. Nalulugmok tayo sa putik ng walang pag-asenso.

alcohol-brain

kinilaw na utak

Ngayon, bilang isang duktor, marami na rin akong nakitang mga taong naging bilanggo ng alak. Kahit anong pilit nilang humilagpos sa mga kuko nito ay hindi sila makaalpas, dahil sa haling na haling na ang kanilang katawan dito. Kahit luto na ang kanilang atay, baldado na ang puso, at tustado na ang utak, tuloy pa rin sila sa pag-inom. Napakarami na akong nakita na nagbuwis ng kanilang buhay dahil sa alkohol.

Alam kong bahagi na ng hibla ng ating pagka-Pilipino ang magtagay-tagay sa anumang pagdiriwang. Ngunit sana naman ay ating  pag-isipan ang mga ito, at hinay-hinay lang po tayo sa ating pag-inom.

Pare, isang tagay pa?

*******

(*report of Euromonitor was published in Philstar and can be read here)

(**photos taken from the internet)

 

 


Back in the City

$
0
0

I am back in my favorite city. A city that I love despite of all its ills and nuisances. A city that I have left so many times, and yet I kept coming back to. This city is no other than Manila.

The following photos I have here of Manila, are seen from a different angle and perspective, at least from the point of view of the Manila I used to know.

IMG_2341

Ninoy Aquino International Airport

“Manila, Manila, I keep coming back to Manila,” says the 1970’s song of the Hotdogs, and that rings true for me as well.  And every time I return, the city warmly (as in hot!) welcomes me back.

IMG_2234

Speaking of welcome, above is the Welcome Rotonda, which marks the boundary between Manila and Quezon City. The photo is facing the Manila side of the boundary, overlooking España Boulevard, though technically I was standing in Quezon City  when I took this picture.

The photo below is an area of Manila that I am very familiar with. The prominent structure is the Sampaloc PLDT tower. So the immediate vicinity is Sampaloc, Manila – the place where I grew up. It is just interesting that I have never looked at Sampaloc before from such a high point of view, since there was no high rise buildings in this area during my youth. Unless I climb the PLDT tower of course.

IMG_2330

The main reason of my short visit back to Manila is to attend my 25th year graduation anniversary (I’ll make a separate post on this) from the University of Santo Tomas school of medicine. Thus several photos are from the UST campus. The different perspective is that I am viewing this campus not as a student but as a homecoming alumnus.

IMG_2187

Arch of the Century at the entrance to the university

IMG_2196

the Main Building of UST

IMG_2215

Building of the College of Medicine and Surgery

IMG_2213

University Hospital

Most of the activities of the homecoming festivities were done in the UST campus, but the big gala night took place in Manila Hotel. Even though I know Manila Hotel is a very old establishment (opened in 1912), and I passed this area several times before, I have never set foot inside of it. Until now.

IMG_2294

Above is the swimming pool at the back side of Manila Hotel. Photo below is one of its beautiful hallways.

IMG_2312

IMG_2296

The back of the hotel looks over the marina and Manila Bay, while rooms facing the city side gives a grand view of the walled city, the Intramuros. Honestly, I have never seen Intramuros from this angle before. From this view, you can see the contrast of the old walled city and the new high rise buildings in the distance.

IMG_2250

From Manila Hotel, I still went on foot to see Luneta, a place full of loving and joyful memories from my childhood.

IMG_2314

But there is something different in this place. It is impossible to miss the change in the landscape as you view Rizal’s monument. Definitely cannot ignore the monstrosity of Torre de Manila.

IMG_2321

However, with the right angle and positioning, I can still make the huge eyesore disappear. Look, it’s gone!

IMG_2324

I enjoyed my return to the city of my birth, even for so short a time. And seeing the familiar places albeit in a different point of view is kind of refreshing.

IMG_2349

For now, once more, I say goodbye to you Manila. Hope to see you again……soon.

(*all photos taken with an iPhone)

 

 



Sinampalukang Pangarap

$
0
0

Sinampalukang manok. Pinangat na tilapia sa kamias. Sinigang na bangus sa bayabas. Ginataang santol. Alam natin ang mga ito bilang Pilipino. Alam din natin na kahit maaasim ay masasarap ang mga ulam na ito.

Pero nakarinig ka na ba ng Sinampalukang Pangarap? Masarap din ba ito? O maasim?

Noong nakaraang buwan, ako’y nag-balikbayan at nag-balikpaaralan para dumalo sa pagdiriwang ng aming 25th graduation anniversary mula sa UST College of Medicine and Surgery.

Dalampu’t limang taon na nga ba ang nakalipas? Parang kahapon lamang ito. O hindi ko lang matanggap na matanda na talaga ako, at nag-uulianin na.

Ang tema ng aming selebrasyon ay: “Mundi Dottore*: From Tamarind Dreams to the World.” Sa madaling salita, sinampalukang pangarap.

IMG_2441

Ang temang ito ang napili dahil ang UST raw ay nasa Sampaloc, Manila, at marami sa aming mga nagsipagtapos dito, ay nagsipangalat sa iba’t ibang lupalop ng mundo. Para sa akin, na tunay na lumaki sa Sampaloc, at nagmula sa isang simpleng pamilya at pamumuhay, ay talagang naaangkop ang “sinampalukang pangarap.” Mula sa uhuging bata ng Sampaloc na nakarating sa kabilang dalampasigan ng mundo.

Marami-rami rin sa amin ang nanumbalik at dumalo sa selebrasyong ito. Kung saan-saan ang ang aming pinanggalingan. Mula sa iba’t-ibang bahagi at iba’t-ibang isla ng Pilipinas, at mula rin sa iba’t-ibang sulok ng ibayong dagat. Kasama na ako rito.

Totoo, bago mag-reunion, ay naging sabik akong makita ang mga dating kaklase na naging kaibigan at kasangga sa anumang pinagdaanan, sa hirap man o ligaya. Kamusta na kaya ang mga kumag?  Ano na kaya ang kanilang racket ngayon? Ano na kaya ang itsura nila? Gaya ko kaya silang tumanda? Tumaba? Pumayat? Pumuti ang buhok? O naubos ang buhok?

Makikilala pa kaya ako nila? O makikilala ko pa rin ba sila?

Aaminin ko na bagama’t saya ang pangunahing naramdaman ko sa aking pag-babalik, ay may halo rin itong kaba, pag-aalinlangan, at konting pait. Dahil alam naman natin na hindi lahat ng mga nakaraang ala-ala ay masasaya. Parang sampalok, may maaasim din.

Mayroon din palang sinampalukang ala-ala?

Paano kung makita mo ‘yung dati mong nakaaway? O ‘yung nang-basted sa iyo? O ‘yung ayaw kang turuan at ayaw rin namang magpakopya, kaya tuloy nag-remedials ka. O ‘yung laging magulang at tamad kapag duty ninyo? O ‘yung nagsumbong at nagpahamak sa inyo? Buhay pa kaya ang mga anak ng tinapa?

Sa kabilang banda, paano naman kung makita mo ‘yung mayroon kang atraso noon? O kaya’y ‘yung kaibigan mo na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nababayaran ang hinayupak na utang mo?

Ano kaya ang iyong gagawin kung makita mong muli ang malupit mong guro na nagpahirap sa iyo? Ano kaya ang mararamdaman mo kung makita mo ang teacher na dahilan kung bakit ka hindi nakapag-marcha sa graduation? Makaya mo kayang ngitian sila o baka magdilim ang iyong paningin at hindi mo mapigilang mag-hurumintado?

Pagtapak mo kaya sa dating paaralan, masasayang gunita lang ba ang sasagi sa iyong isip? O hindi mo rin maiiwasang maalala ang iyong mga naging pagkakamali, na matagal mo nang pinagsisihan at pilit nang kinalimutan?

Hindi ko na lang sasabihin kung ano ang aking mga naramdaman, ngunit sabihin na lang nating may mga sugat na kahit naghilom na, ay masakit pa rin kung makanti.

Subalit lahat ay lumilipas din. Hindi dapat manatili sa maaasim. At kung may maaasim mang mga alaala ay higupin na lang ito na parang sinigang sa sampalok, na matapos mong namnamin, ay masarap din naman pala.

Ang mahalaga ay nakatapos, at naging matagumpay sa pinili mong landas na tahakin. Kahit pa naging puno ng putik at balakid ang iyong dinaanang landas. At ngayon ay taas-noong nanumbalik at nakipagdiwang, para ipakita sa kanila na ang iyong mga sinampalukang pangarap ay iyo ring naatim.

Kaya kahit sampalok man, ay tumatamis din.

********

(*Mundi Dottore is Latin for World Doctor)

 

 


Pagmumuni-muni sa Bubong na Yero

$
0
0

Umaakyat ka ba sa bubong ng inyong bahay upang doon tumambay? Sabi nila pusa at mga kalapati lang daw ang umuupo at lumalagi sa bubong. Pero bakit si Spiderman o si Batman, laging tumatambay sa bubong?

 *******

Hunyo, 1987.

Mahigit isang linggo pa lang nagsimula ang pasukan. Unang semestre at unang taon kong tumapak sa medical school. Masasabing punong-puno ng pag-asa ang aking hinaharap. At ako rin nama’y punong-puno ng pangarap.

Ngunit isang gabi, nang ako’y umuwi, ay mayroon kumosyon sa amin. Hindi lamang sa aming bahay, kundi sa aming magkakapit-bahay sa lugar namin sa Maynila.

Akin napag-alaman na may sunog daw sa malapit sa amin. Ngunit kahit sa kabilang kalye pa ang sunog, dahil sa dikit-dikit na parang mga posporo ang mga bahay doon sa amin sa Sampalok, ay madaling kumalat ang apoy.

Hindi ito ang unang sunog na aming naranasan. Mahigit isang taon lang ang lumipas bago ang sunog na ito, nang magkaroon ng sunog sa mismong kalye namin. Dalawang bahay lang ang layo mula sa amin. Lumikas na nga kami sa aming bahay. Buti na lamang at naagapan ng mga bumbero at hindi masyadong kumalat ang apoy. Gayon pa ma’y isang bata ang namatay noon, dahil hindi ito naitakas.

Kaya nang magkaroon ulit ng sunog sa aming lugar nang gabing iyon, hindi maiaalis ang takot sa aming puso. Ako’y inutusan ng aking nanay na tanawin kung gaanong kalayo ang sunog, upang malaman kung kailangan naming mag-alsa balutan.

Paano ko tatanawin ang sunog? Wala namang tore doon sa amin. Hindi rin naman pwedeng akyatin ang poste ng Meralco. Kaya’t walang pinakamagandang lugar para makita kundi sa bubong ng aming bahay. Kahit pa ba dalawang palapag lang ang aming bahay, kapag nasa bubong na, ay malayo na rin ang matatanaw.

Maraming beses na rin naman akong umakyat sa bubong ng aming bahay. Nariyan ‘nung mag-palipad ako ng saranggola kasama ng aking tiyuhin sa aming bubong. At minsan din ay tinulungan ko ang aking tatay na magpahid ng vulcaseal sa aming mga yero dahil tumutulo ito kapag umuulan.

Ngunit lahat ng pagkakataon noon ay sa araw ako umaakayat sa bubong. Ngayon lang ako umakyat nang gabi. Pero hindi ako miyembro ng “akyat-bahay.”

Matapos kong tanawin ang sunog, ay aking natanto na malayu-layo naman pala ito sa amin. Siguro, tatlong kalye ang layo. Akin ding naobserbahan na ang ningas ng malalaking dila ng apoy ay dahan-dahan nang humuhupa. Siguro dahil na rin sa pagsisikap ng mga bumbero.

Pagkatapos kong isigaw at ipaalam sa aking pamilya na malayo naman pala ang sunog at hindi naming kailangang lumikas, ay nanatili at tumambay pa muna ako sa bubong ng aming bahay. Habang ako’y nakatanaw sa nagliliyab na apoy, ay akin ding tinangkang tanawin kung ano ang bukas para sa amin.

Sa katunayan, galing lang ako sa ospital ng gabing iyon. Sa ospital kung saan nakaratay ang aking ama. Aking kinuha ang mga plaka ng kanyang CAT scan mula sa isang lugar kung saan ito isinagawa, at inihatid ito sa ospital kung saan siya ooperahan.

Isang malaking tumor sa utak ang hatol sa aking ama.

Mapanganib daw ang gagawing operasyon. Hindi rin kayang isiguro ng duktor kung magiging tagumpay ito. Ngunit operasyon lang ang tsansang meron kami, kung gusto pa naming madagdagan ang buhay ng aking tatay. Siya ay singkwenta anyos lamang.

Totoo, hindi ang tinatanaw na sunog ang pinakamalaking nagbabadyang panganib sa aming buhay noong gabing iyon. Hindi apoy na maaring tumupok sa aming bahay ang aking kinakatakutan, kundi isang sakuna na papatay sa apoy ng aming buhay at aming mga pangarap.

Paano kung hindi kayang lunasan ang sakit ng aking ama? Paano kung hindi magtagumpay ang operasyon? Buhay niya ang nakasalalay dito. At buhay rin naming pamilya ang magdudusa.

Ngunit habang ako’y nakamasid sa apoy na tumutupok sa mga bahay, ay isang katahimikan ang sa aki’y sumukob. Ang aking takot at pangangamba ay pawang inalis at isang kasiguraduhan ang aking nadama.

Hindi ko man batid kung ano ang hatid ng bukas, ay batid ko naman kung sino ang may hawak ng bukas. At ipinangako ko rin sa aking sarili, na anuman ang mangyari, ay hindi ako bibitaw sa aking mga pangarap.

Pagkalipas ng tatlong buwan matapos kong magmuni-muni sa bubong ng aming bahay, ay pumanaw ang aking ama.

*******

Enero, 2016.

Ako ay muling nakatanaw mula sa isang mataas na lugar sa Maynila. Sasabihin kong mas mataas pa sa bubong ng aming bahay noon ang aking kinalalagyan. Muli akong tumanaw sa lugar ng Sampalok kung saan minsan isang gabi, maraming taon na ang nakaraan, ako ay tumanaw at nagmuni-muni.

img_2174

overlooking Manila area and the Sampaloc PLDT tower

Ngunit walang nagliliyab na sunog akong tinatanaw. Wala ring nagbabadyang panganib akong binabantayan.

Kahit pumanaw ang aking ama, sa gabay naman ng Maykapal, at dahil na rin sa pagsusumikap, ay nakaraos din ang aming pamilya. Ako’y napagkalooban ng scholarship na siyang nagtuguyod na magtuloy ako sa aking pag-aaral. At kahit pa laging maliit at minsan ay kulang ang aking baon, ay naigapang naman at nakatapos rin.

Ngayon, ako’y  nanumbalik sa aking unibersidad doon sa Maynila, upang dumalo sa aming 25th graduation anniversary mula sa medical school.

Mula sa mataas na lugar na iyon, muling nagmuni-muni at nagpasalamat. Wala mang sunog akong tinatanaw, ang apoy naman ng mga pangarap ko’y patuloy pa ring nagliliyab.

*******

(*Photo taken during my last visit to Manila, January 2016)

 


Rico J, Isang Pagpupugay

$
0
0

Nitong mga nakaraang araw, ay namamayagpag sa aking pandinig ang mga OPM (Original Pilipino Music). Nalungkot ako sa balita noong isang linggo na pumanaw na pala si Rico J. Puno. Kaya para mabawasan ang aking pagkalumbay ay nagpipiyesta na lang ako sa pakikinig ng mga OPMs, lalo na sa mga kanta ni Rico J.

Isa si Rico J sa mga nagpasikat ng mga OPM. Siguro naman lahat tayong mga Pinoy ay alam ang kanyang mga kanta. Tulad nito:

“Kapalaran kung hanapin, di matagpuan, at kung minsan lumalapit nang ‘di mo alam.” (Kapalaran)

Sa totoo lang naisama ko na ang linya ng kantang ito sa isa sa aking blog, Bahala na si Batman.

Mayroon din siyang kanta na nakakapukaw ng damdamin. Tulad nito:

“Huwag damdamin ang kasawian, may bukas pa sa iyong buhay, sisikat din ang iyong araw, ang landas mo ay mag-iilaw.” (May Bukas Pa)

Nagkaroon din ako ng blog na ang pamagat ay mula sa kantang ito, May Bukas Pa.

At mayroon din mga kanta si Rico Puno na pinangarap mong sana ikaw rin ay kagaya niya. Tulad ng:

“Macho gwapito raw ako!” (Macho Gwapito)

Pero hindi naman ako naging macho dahil patpatin nga ako noong araw.

Nakakalungkot lang isipin na wala na si Rico Puno. Para sa akin na lumisan ng ating bayan at matagal nang wala sa bansa, parang bang ako’y nanghihinayang na hindi ko na mababalikan ang aking naiwan. Para bagang may kulang na sa Pilipinas na aking nakagisnan.

Pero sangayon din sa isang awit ni Rico J, eh talagang ganyan ang buhay:

“Sa mundo ang buhay ay mayroong hangganan, dahil ay lupa lamang.” (Lupa)

Hindi lang mga OPM ang namimiss ko kapag nabanggit si Rico Puno. Namimiss ko rin kung saan ako nanggaling at kung saan ako lumaki. Kung hindi ninyo po alam, si Rico J ay lumaki sa may Balik-Balik sa Sampaloc Manila. Iyong apartment kung saan sila nanirahan noon ay sa kabilang kalye lang mula kung saan ako nakatira doon sa Sampaloc. Siyempre naging proud ang mga naging kapitbahay niya nang siya ay naging sikat na.

Mabalik tayo sa mga OPM, lumaki akong nakikinig ng mga kantang Pilipino, hindi lang kanta ni Rico J. Nakakaaliw ngang isipin na iba’t iba ang mga OPM.

May mga awit na makatotoo:

“Isang kahig, isang tuka, ganyan kaming mga dukha.” (Dukha by Heber Bartolome)

May mga kantang matalinghaga:

“Patakan n’yo ng luha ang apoy sa kanyang puso.” (Balita by Asin)

At mayroon ding mahiwaga:

“Butse kik, ek ek ek.” (Butse Kik by Yoyoy Villame)

May kantang mapangutya:

“Beh, buti nga, beh, buti nga, bebebebeh, buti nga!” (Beh Buti Nga by Hotdog)

May mga kanta na garapal:

“Pahipo naman, pahawak naman, hindi na kita matsangsingan.” (No Touch by Mike Hanopol)

Kung sa panahong ito kapag kinanta mo ito ay pwede kang kasuhan ng sexual harassment.

Meron din namang mga awit na nakakatawa, pero may aral.

“Banal na aso, santong kabayo, natatawa ako.” (Banal na Aso Santong Kabayo by Yano)

Pero ang mga awit na tunay na napamahal sa atin ay iyong may kahulugan sa atin. Marahil may mga karanasan tayong hindi malilimutan na nakakawit sa kantang iyon. Para po sa akin, isa sa mga ito ay kanta ni Rico Puno:

“Alaala ng tayo’y magsweetheart pa, namamasyal pa sa Luneta nang walang pera.” (The Way We Were by Rico Puno)

Sa katunayan nai-blog ko na rin ang karanasan kong ito, Alaala ng Luneta.

Nakakamiss talaga. Kaya magsa-sound trip na lang uli ako at magpapakalunod sa mga OPM. Maraming salamat sa mga magagandang alaala, Rico J. Puno.

A-2166666-1404547268-1768.jpeg

(*photo from the web)

Viewing all 11 articles
Browse latest View live